Wala na

Bakit ba parang hindi ko na maalala?
Mga panahon na tayo ay magkasama. 
Tila ba wala na akong maramdaman, 
Kapag inaalala ang ating nakaraan.

Maraming taon ang ating pinagsamahan, 
Maraming tawanan ang ating pinagsaluhan.
Hindi man perpekto ang ating pagsasama, 
Mayroon pa rin tayong masasayang ala-ala

Ngunit bakit ngayon ay tila iba na?
Ang pakiramdam ko kapag naaalala. 
Hindi ko maramdaman ang lungkot o saya
Parang wala na, wala na talaga. 

Wala na akong maramdamang sakit
Wala na rin akong maramdamang pait. 
Hindi ko din naman masabing ako'y masaya. 
Parang ang pakialam ko ay tuluyan ng nawala. 

Hindi ko sasabihin na sayang ang pag-ibig
Sa loob ng maraming taon na tayo'y magkapiling.
Ngunit ngayon ay napagtanto ko na,
Ang pag-ibig natin ay wala na, wala na talaga. 

Image from esquiremag.ph


Comments